Gustong gusto kong nanunuod ng mga taong nagsasayaw. Kahit anong klase ng sayaw. Kapag nakikita ko kasi sila, nabubuhayan ako ng loob. Napapaindak na rin ako. Nakakaelibs kasi yung mga taong napaka-imba pagdating sa dance floor. Yung tipong punung-puno ng emosyon yung mukha nila tas kitang-kita sa galaw nila yung gusto nilang ipakahulugan.
Kung nabigyan lang ako ng pagkakataon na mag-aral ng pagsasayaw mula pagkabata, sobrang pasasalamat ko na yun sa mga magulang ko. Ang problema e hindi ako nabigyan. Kaya nga kahit papano, I still try to dance whenever I can.
Ang pagsasayaw ay isang sining na puno ng kulay at buhay sa lahat ng dako. :)
so makata. sakit sa ulo?! LOL.
ReplyDeletewtf?! 4 blogs in one day?! haha.