Kahapon, pumunta kami ng Recto kasama ang aking mga parents. I needed to find three books since yung Chem naman e problem-solved na. Pagdating namin dun, umuulan. Yung una naming tinanungan, sabi titingnan daw kung meron sila sa bodega nila. Kinuha nung isang bakla yung listahan ko. After mga 10 minutes, bigla akong tinawagan ni daddy. Pumarada lang kasi siya somewhere. Sabi niya huwag daw kaming maghintay at maniwala sa mga tindero na nagsasabing meron sila or kukunin lang sa bodega. Wala daw mga bodega yung mga yun at papatungan dawn g presyo yung mga ganung libro. Sabi ko na lang okay. After mga 5 minutes, wala pa rin yung bakla. Maya-maya tumawag na naman yung daddy ko. Sabi niya maghanap na daw kami sa iba hindi yung nakatunganga lang kami. Nainis na ko. Sabi ko wala sa akin yung listahan, kinuha nung tindero. Nagalit siya. Binabaan ko siya. After mga 3 minutes, bumalik yung bakla. Isa lang dala niya. Buti nalang yun yung librong hinahanap naming. Sabi ni mommy bilhin ko na daw para walang masabi yung daddy ko. Binili ko na nga. Php350 yung book. Ang mahal. Di na ko nakatawad. After nun, tumawid kami sa kabilang side ng mommy ko. Sabi ko sa kanya, naiistress ako kay daddy. Sobrang pikon na pikon na ko nun. Pagkatawid naming, nandun si daddy nagaabang. Tinanungan ko yung pinakaunang bangketa. Sabi niya meron siya nung isa. Pero kukunin pa sa bangketa. Tinanong ko kung magkano. Sabi niya Php400. Nung kukunin na sana nung babae sa bodega nila yung libro, biglang umepal yung tatay ko. Sabi niya huwag na daw dun kasi matagal. Edi umalis ako. INIS NA INIS na talaga ako. Hindi naman siya yung gagamit nung libro. Parang ewan. AAAAAMMMMP! Ang dami naming tinanungan. Gusto pa niya dun sa mga may sariling mga stalls na parang bookstore magtanong. E mas mahal nga sa mga ganun eh. May nakita ulit kaming ganung libro pero Php595. Yung isa naman Php630. edi sana kung naghintay nalang kami dun sa unang-una, tapos na. Ngayon naghahagilap kami ng mura. POTEK! Tapos may isa nag-offer Php500. ayaw ng tatay ko. Tapos nung nakaabot na kami kung saan, sabi niya balikan daw namin yung nag-offer ng Php500. Sabi ko kayo maghanap. Hinanap niya. Lumagpas na siya. Sinisigawan ko na siya from dun sa stall. Sabi ko, “DAAAAAD! Lumagpas ka na! Eto oh!” Sabay turo dun sa mama. Kinausap niya. Tapos binigay nung mama ng Php450. Sa wakas, natapos din. After nun may isa pang kulang. Sabi ng kaibigan ko, sa National daw siya nakabili. E may malapit na National Book Store dun. Pumunta ako. Sabi nila out of stock. Akala ko after nun, uuwi na kami since atat na atat na naman yung tatay ko umuwi. Pagtingin ko, papunta kaming Harrison Plaza. Tumingin kami sa National dun. Wala daw, out of stock din. Pinasearch ko sa Customer Service kung san may available na ganun. Sabi niya sa Super Branch Cubao pa daw. POTEK! Ang layo! Anyways, bumili na lang muna ko ng mga kulang kulang ko pa. nakapila ako sa counter tas biglang sabi ng tatay ko sabihin sa Customer Service na ipareserve na yung isang nasa Superbranch sa Cubao. Pagkatapos kong bumili nung mga bagay bagay, pumunta kong Customer Service. Sabi nung Miss sa akin php5 000+ daw yung libro. Sabi ko hindi yung text book hinahanap ko, yung manual lang. Lab Manual lang. tapos meron daw sa G5. Pinatawagan namin. Sabi naming i-reserve na. MAYA-MAYA, nagtext yung friend ko. Nabilhan na daw niya ko! GRABEEEE! Isa na namang savior. Hindi ko naman sinabi sa kanya na bilhan niya ko pero binilhan niya ko. So pinaka-cancel na namin yung reservation and PROBLEM SOLVED. THANK YOU LEXII! You’re the best!
At yan ang nangyari sa isang napaka-IMBANG SATURDAY. Una, inis na inis at pikon na pikon ako sa Dad ko. Buti nalang, pina-brighten up ni Lex ang aking mood. :>
No comments:
Post a Comment